Babae sa North Carolina, nag apply ng trabaho bitbit ang resume na naka print sa isang cake

KANAGILIWAN AT KINABIBILIBAN ngayon ng mga netizens online ang isang babae sa North Carolina U.S.A dahil sa kakaiba nitong estilo ng pag-apply ng trabaho.

Imbes kase na resume na naka imprenta sa bond paper ang kanyang bitbit sa pag “job hunting”, resume na naka imprenta sakanyang ginawang cake ang kanyang ipinasa sa NIKE – isang kilalang brand ng mga footwear, apparel, equipment, accessories at iba pa.

Ayon kay Karly Pavlinac Blackburn, nais niyang makapasok sa nasabing kompanya para magamit ang kanyang pagiging bihasa sa larangan ng product marketing, brand managing at growth marketing.

Dahil nais niyang maging kakaiba ang kanyang aplikasyon para sa naturang trabaho, nag-isip aniya siya ng kakaibang estilo para mapansin ng kilalang kompanya at maibigay sakanyan ang pagkakataon na makapag trabaho mula dito.

Matapos ibahagi sa  employment-oriented online service na “Linked In” ang kanyang kwento, umani ng papuri si Blackburn dahil umano sa pagiging creative nito.

Sa kasalukuyan, nakatanggap na umano ng tawag si Blackburn hindi lamang sa Nike kundi maging mula sa iba pang mga kompanya na napukaw at interes dahil sakanyang pagiging malikhain.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *