Babae sa UK, himalang nakaligtas matapos ilibing ng buhay ng kanyang mismong fiancée

HIMALANG nakaligtas ang isang babae na si Mechelina Lewandoska, isang Polish na nag-migrate lamang sa United Kingdom matapos itong ilibing ng buhay ng kanyang sariling fiancée.

Ayon kay Mechelina bored na umano sa kanya ang kanyang fiancée na si Marcin Kasprzak kaya siya umano nito tinangkang patayin kasabwat nito ang isang teenager na si Patryk Borys.

Sa pagkukuwento ni Mechelina ginamitan siya umano ng isabng stun gun para mawalan ng malay at paggising niya nasa kahon na siya at nakalibing sa hukay habang nakatali ang mga kamay at paa.

Ang buong akala ni Mechelina ay katapusan na ng kanyang buhay dahil unti-unti na siyang nawawalan ng hangin sa loob nang bigla niyang naisip na gamitin ang kanyang engagement ring upang maputol ang mga tali sa kamay niya at tuluyang makalabas sa kahon at makaahon sa hukay dahilan upang siya ay nakaligtas.

Matapos ang pangyayare natamo ni Marcin ang kanyang kinalalagyan sa loob ng bilangguan.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *