Babae sa UK, nagsasayang na lamang umano ng oras, kaya nagpropose at pinakasalan ang sarili

NAGSASAYANG na lamang umano ng oras ang isang babae sa United Kingdom na si Grace Gelder sa paghihintay ng taong makakapareha niya, kaya nagpasya na lamang siyang magpropose at pakasalan ang sarili.

Sa kuwento ni Grace nakuha niya ang ideyang ito mula sa lyrics ng isang kanta, at duon niya umano napagtanto na kailangan niya nang kumilos naganap ang kasalan sa harap ng kanyang pamilya at iba pang mga panauhin makalipas ang ilang buwan mula sa araw na ma engaged siya sa sarili.

Sa araw ng kanyang kasal kumpleto ang mga seremonyas at gamit katulad ng singsing, wedding gown at pati narin ang wedding vows, ang kinaibahan lang ay wala siyang groom na pagbibigyan ng halik kaya sa halip na groom, sarili niya na lamang imahe ang kanyang hinalikan mula sa salamin.

Dagdag pa ni Grace na aminado siyang hindi maituturing na legal ang kanyang kasal pero naging masaya naman daw siya sa kanyang ginawa. At ayon sa kanya hindi niya naman nililimitahan ang kanyang sarili na makatagpo ng talagang tao na mamahalin at papakasalan niya balang araw.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *