Babae sa Washington, walang kamalay-malay na isa palang serial killer ang asawa

HINDI MAKAPANIWALA si Linda Yates sa katotohanang nabunyag hinggil sa pagkatao ng kanyang mahal na asawa na si Robert Yates, sa  loob kase ng 26 taon ng kanilang pagsasama kailanman ay hindi niya ito pinag-isipan ng masama,  lingid sa kanyang kaalaman ang inakala niyang mabuting asawa ay isa palang mamatay tao at marami nang nagawang kasalanan.

Ayon kay Linda, ang tanging hinala niya lang noon ay nambababae lamang ito, hindi niya naman ito lubos na iniisip dahil sa mas matimbang nga ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Hanggang sa isang araw  mula sa kanilang tirahan sa Spokane, Washington natuklasan niya ang mga krimen na matagal nang tinatago ng kanyang asawa, nasa 16 na pala ang walang awang pinatay nito, at sa tulong ng kapulisan, nakita nila ang mga bangkay na inilibing nito, mula  sa kanilang bakuran.

Agad na naaresto si Robert Yates, subalit si Linda ay hindi parin makapaniwala sa mga natuklasan nito, doon napagtanto ni Linda na makailang beses na pala siyang naghinala sa asawa, ngunit sadyang magaling magpa-ikot ito, dahil sa bawat tanong niya ay palagi itong may sagot at rason.

Hanggang sa napag-alaman niya na marami palang pornographic materials na tinatago si Robert at umabot pa nga sa punto na binutasan nito ang kanilang attic para lang makapanilip sa kanilang kapitbahay habang nagtatalik, duon nahimasmasan at nagising sa katotohanan si Linda na ang kanyang asawa ay isang mamatay tao at halang ang kaluluwa.###CD  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *