Tinambangan at pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang isang babae habang nagmamaneho ng kanyang SUV sa Diversion Road corner Bypass Road, Brgy. Ma-a, Davao City.
Dead on the spot ang biktima na kinilala ng Maa Police Station na si Anabelle Elizagaque, 51 taong gulang na taga Barangay Dumong, Davao City.
Lumabas sa imbestigasyon na nagmamaneho ang biktima ng biglang tinambangan ng tatlong lalaki na sakay sa isang motor at dalawa sa kanila ang bumbaba ang pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay at agad tumakas ang mga suspek.

Napagalaman ng pulisya na dating agent ng Rigen investment scheme ang biktima na umanoy konektado kay Rico Garcia at Paul Auditor na nahaharap din sa malawakang scam ilang taon na ang nakalipas.
Isa lamang ito sa tinitignang angolo ng otoridad sa pagpatay sa biktima habang patuloy pa ang imbestigayon para kilalanin ang nasa likod ng krimen.