Iiwan mo ba ang date mo kapag na-turn off ka sa kanya sa una niyong pagkikita?
Ganyan kasi ang nangyari sa isang babaeng nakipag date sa kanyang nakausap sa internet, matapos ang linggong pag-tetext.
Inaya siya sa isang “Oyster Bar” sa Atlanta, kung saan marami siyang in-order na talaba.

Hindi niya nalamayan na 48 piraso na pala ang nakain niya dahil busy siya sa kakahigop at kakain nito.
Habang tumatagal raw ang pagkain niya ay nakita niya na parang sumasama na ang tingin ng kanyang kasama.
Pagkatapos kumain ng babae, nagpaalam ang kanyang ka-date na pupunta lang sandali sa CR, ngunit hindi na muli itong bumalik.
Ang ending: siya na lang ang nagbayad ng kanyang kinain.
Depensa naman ng lalaki, “drinks” lang ang offer niyang date sa kanyang kasama pero laking gulat raw nito nang umorder ang babae ng napakaraming talaba.
Sagot naman ng babae, inaya siya sa “Oyster Bar” kaya siya umorder ng pagkain.