Babaeng manghuhuli sana ng isda sa karagatan sa Manito, Albay, patay matapos malunod

LEGAZPI CITY – Dead on arrival sa ospital ang 57 anyos na babae, matapos malunod sa karagatan sa P-1, Brgy. Tinapian, bayan ng Manito, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Gloria Dimaiwat Buitre, residente ng P-6, Sitio Parada, Brgy. Buyo ng nasabing bayan.

Ayon sa report, hapon nang makatanggap ng tawag ang Manito MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa nabanggit na insidente.

Agad namang pinuntahan ng mga kapulisan ang lugar upang tukuyin ang naulat na insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang live-in partner sa karagatan na malapit lang sa pantalan upang manghuli ng mga isda.

Sa hindi inaasahan ay biglang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa malakas na hangin at alon ng tubig.

Dahil dito, nahulog sila sa tubig dahilan upang malunod ang biktima.

Naidala pa sa pinakalamalapit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay sa ospital.-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *