Human Interest

Babaeng nagpa “eyebrow tattoo procedure” sa Thailand, inireklamo ang beauty clinic matapos gawing apat ang kanyang kilay

“NAKAMURA nga, pero napahamak ka naman”

Iyan ang tila naranasan ng isang babae sa bansang Thailand matapos niyang subukang sumailalim sa ‘eyebrow tattoo procedure’ sa isang beauty clinic sa Rayong province ng nasabing bansa.  

“Kilay is life” nga naman para sa mga kababaihan kung kaya’t agad na nagbayad ng halagang 1,500 Baht o katumbas ng P2,300 ang ginang na si Niprapon Meeking para mas mapaganda ang kanyang kilay.

Ganunpaman, sa halip na ikatuwa at ikaganda niya ang resulta, labis siyang nadismaya makaraang tila dumoble ang kanyang kilay matapos itong iguhit ng tattoo artist sa itaas  ng kanyang orihinal na kilay.

Matapos mag reklamo, pinangukuan siya ng pamunuan ng clinic na aayusin ang kanyang kilay ngunit nang muli niya itong puntahan, sarado na ang naturang klinika.

Nag viral sa social media ang kwento ng babae kung kaya’t mayroong nag-magandang loob na ayusin ang kanyang kilay upang bumalik ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Paalala ng mga eksperto, huwag papatulan ang mga iniaalok na bagsak presyong beauty procedures at kumonsulta at magpagawa lamang sa mga lehitimong beauty expert.### JDR, BNFM BICOL

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago