Babaeng namatay at pinaglamayan, positibo pala sa COVID-19

Kinumpirma ng Municipal Heatlh Office (MHO)-Aborlan na may isang babae na namatay at pinaglamayan na positibo sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Fidel Salazar ng MHO –Aborlan, ito ay residente ng Bgy. Isaub , 96 anyos dinala sa hospital nitong Biyernes ilang oras lang ang nakalipas ay nasawi dahil sa karamdaman na iniinda. Sa ginawang pagsusuri negatibo sa antigen test ang pasyenteng nasawi ngunit isinailalim pa rin ito sa RT-PCR at lumabas na positibo sa COVID-19.

Linggo na ng hapon September 26 nalaman at lumabas ang resulta na positibo sa virus ang namatay na pinaglamayan na ng halos mahigit isang araw.

Agad na kinausap ang pamilya at  ipinalibing kahapon ng Municipal Health Office ang pasyenteng nasawi na positibo sa COVID-19.

Magkakaroon ng contact tracing ngayong araw sa pamilya ng namatay na pasyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *