Huli sa camera ang ginawang pagsubo ng isang babaeng personnel ng Office Transportation Security ng Ninoy Aquino International Airport.

Ang nasabing pera ay ninakaw nito mula sa isang Foreigner sa NAIA terminal 1.
Ayon sa mga otoridad, lumapit sa kanila ang foreigner upang ireport na nawawalan siya ng pera na nagkakahalaga ng $300 o katubas ng P17,000.
Napag-alaman din ng mga awtoridad na kasabwat ng OTS personnel ang kanyang supervisor at pinapalunok pa rito ang pera para hindi mahuli kapag kinakakapan na ito.
Nanawagan naman si OTS Administrator Usec. Ma. O Aplasca sa mga informant, na agad na ireport sa kanila ang mga illegal na aktibidad na sangkot ang kanilang hanay.