Babaeng pinagtataga, natagpuang patay sa Pio Duran, Albay

LEGAZPI CITY – Patay na nang natagpuan ang isang babae na tadtad ng taga sa katawan sa Sitio Cagbatano, Brgy. Malidong bayan ng Pio Duran, Albay.

Kinilala ang biktima na si Nelsie Pronce Bobis, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, hapon nang ireport sa Pio Duran MPS ang insedente na agad namang pinuntahan ng mga otoridad.

Pagdating sa pinangyarihan ng insedente, nakita ng pulisya na wala nang buhay ang katawan ng biktima, tadtad ng sugat, at natatakpan ng mga dahon ng anahaw.

Ayon sa SOCO ng RFU5, ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa kanyang mukha, ulo, mga braso at kamay.

Nadiskubre ring ang mga tadtad na sugat na tinamo ng biktima sa magkabilang braso ay pahiwatig na nanlaban ito.

Napag-alamang ang nasa likod ng nasabing krimen ay isang menor de edad, na tumakas patungo sa kabundukan sa isang liblib na lugar.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakatakip umano ng face towel ang kamay nito at napansing mayroon itong sariwang sugat sa kamay at mga gasgas sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Dahil dito, agad naman itong tinanong tungkol sa krimen na mabilis namang nitong inamin.

Inaalam na rin ng pulisya ang posibleng motibo sa pagpatay ng biktima.

Sa ngayon ay nasa kostudiya muna ito ng MSWDO para sa determination of discernment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *