Babaeng Vietnamiese, na nanakit sa NAIA terminal 3, inaresto

Naglulupasay sa sahig ang babaeng Vietnamese sa immigration departure area ng NAIA Terminal 3 habang kinakausap ng immigration officer bilang bahagi ng primary inspection.

Bigla umano niyang hinatak pabalik ang kanyang passport at tumakbo palabas ng immigration area, kahit na na-proseso na at cleared para sa departure.

Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, hinampas niya ang braso ng isa sa immigration supervisors.

Agad siyang inaresto ng Border Control and Intelligence Group ng NBI at PNP Aviation Group.

Hinatulan siya ng deportation case for undesirability dahil sa kanyang mga aksyon sa paliparan. (BRIGADA NEWS INTERN-JAHLDEA RULONA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *