Bachmann, iginiit ang pangangailangan ng magandang training facilities sa national athletes

Matapos umikot para bisitahin at kausapin ang mga national athletes, nagkaroon ng konklusyon si Philippine Sports Commission chair Richard Bachmann na kailangan nila ng mas magandang training facilities para sa mga ito.

Umikot si Bachmann upang personal na makita ang mga atleta mula nang opisyal na manungkulan ilang linggo na ang nakararaan.

Ang pinakahuling pagbisita niya ay sa training camp ng PSC sa Baguio kung saan nakilala niya ang mga boksingero, Muay Thai fighters at track and field athletes.

Kabilang sa mga nakausap niya ay ang Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio, Asian Games silver winner Rogen Ladon at Olympian Irish Magno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *