Bachmann wi-nelcome sa PSC ang isang bagong hirang na commissioner

Wi-nelcome ni Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann ang bagong hirang na commissioner na si Matthew “Fritz” Gaston na opisyal na nag-ulat sa kanyang opisina kahapon.

Nakumpleto ng appointment ni Gaston ang five-man board ng PSC, kasama ang mga kapwa commissioners na sina Olivia “Bong” Coo, Walter Torres at Edward Hayco.

Sinabi ni Bachmann na ang malawak na karanasan at pamumuno ni Gaston bilang sports executive , dating atleta at coach ay magsisilbing mahalagang asset sa PSC.

Sa ngayon, ang PSC ay nakatutok sa kanilang hangarin na tulungan ang mga atleta at national team sa mga paparating na events ngayong taon kabilang ang 32nd Southeast Asian Games at ang 19th Asian Games.

Bukod pa riyan, inatasan din ang PSC na makipagtulungan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force na magtitiyak sa matagumpay na pagho-host ng 2023 FIBA ​​World Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *