Back rider, patay matapos mabangga ng dump truck sa Polangui, Albay; driver ng motorsiklo, sugatan

LEGAZPI CITY – Patay ang isang back rider ng motorsiklo, habang sugatan naman ang driver nito matapos aksidenteng mabangga ng isang dump truck sa Maharlika Highway, Brgy. Matacon, Polangui, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Salvacion Lustan Baracquiel, habang sugatan naman ang kanyang asawang si Joel Villar Baraquiel, parehong residente ng Brgy. Santicon ng nasabing bayan, habang kinilala naman ang driver ng truck na si Ramon Corral Salvador, residente ng Brgy. Salvacion, bayan ng Pamplona, Camarines Sur.

Ayon sa report, minamaneho ni Baraquiel ang kanyang motorsiklo sakay ang kanyang asawa at nang papatawid sana ito ng kalsada, hindi inaasahang mababangga pala ito isang dump truck dahilan para matumba sa kalsada.

Agad namang dinala ang mga biktima sa pinakalamalapit na ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon ngunit ang back rider ay nagtamo ng fatal injuries at idineklarang dead on arrival ng duty physician.

Sa ngayon ay inihahanda na pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published.