Back-up solar panel sa mga barangay hall sa lungsod prayoridad ng Committee on Energy

Binigyang diin ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon na nasa top priority nila ngayon na malagyan ng mga back-up solar panels ang lahat ng barangay hall sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay City Councilor at chairman ng Committee on Energy na si Atty. Glenn Olbes, sinabi nito na dapat itong matutukan dahil napaka-importante ng solar panels lalo na at madalas na dinadaan ng bagyo ang lalawigan na nag reresulta sa kawalan ng kuryente; malaking tulong rin ito tuwing may mga power service interruptions o mga biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente na palaging inirereklamo ng mga residente.

Sa ngayon, inaayos na ang mga papeles para sa naturang proyekto kung saan ayon sa Komite, dapat itong matutukan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod at mabigyan ng sapat na pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *