Backhoe, sinunog sa Masbate

Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naiulat na sinunog na backhoe sa Brgy Sta Rosa, San Jacinto, Masbate.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador na si PSSgt Cabiles, sinabi nito na inaalam pa nila kung sino ang nasa likod ng panununog sa nasabing backhoe.

Dagdag pa nito na may nakuha na silang saksi, subalit takot umano itong magbigay ng kanyang salaysay. Hindi din nila inaaalis ang posibilidad na ang panununog ay ‘insurgency related’ o kagagawan ng rebeldeng grupong NPA.

Ayon pa sa opisyal, ang backhoe, na nakaparada sa gilid ng kalsada, ay sinunog gamit ang sako at tuyong dahon ng niyog.

Kinilala ang may-ari ng backhoe na si Nelson Brejuegga Jr., 34-anyos, may asawa, negosyante at naninirahan sa Daraga, Albay.

Ayon sa may-ari ang nasabing equipment ay nirentahan sa kanya ng JHJN Construction and Supply na nakabase sa Brgy Sta Rosa.

Sa pahayag naman ng BFP San Jacinto, 90% na nasunog ang nasabing equipment at hindi na umano ito magagamit pa.

Nabatid na ang backhoe ay nagkakahalaga ng P3.5M.

*PHOTO for representation purpose only

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *