Backlogs ng VaxCert, pinareresolba na ng DILG sa mga LGUs

Inatasan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga local government units na solusyunan ang nasa 1.4 million na backlogs sa digital registration ng VaxCertPH.

Ang VaxCertPH ay ang opisyal na digital vaccination certificate program ng gobyero sa Vaccination Information Management System (VIMS).

Ayon kay Abalos, matagal na itong isyu sa mga LGUs kaya naman dapat ay i-improve na ng mga ito ang inventory ng libu-libong registrations ng mga Pilipino.

Mula sa 1.4 millioon na backlogs – mahigit 330,000 ang mga nawawalang records; higit 308,000 ang ‘di na-record dahil sa kakulangan ng manpower; higit 240,000 ang mga late submission; higit 120,000 ang incomplete data; halos 110,000 ang may missing data fields; halos 95,000 ang may operational at procedural issues; at halos 76,000 naman ang backlog dahil sa isyu sa internet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *