Bacolod nakatakdang mag-host ng 2024 edition ng PBA All Star

Kasunod ng matagumpay na pagbabalik ng All-Star weekend ng pro league sa Passi City, Iloilo noong Linggo, inihayag kahapon ni PBA commissioner Willy Marcial na ang Bacolod City ang susunod na magho-host ng 2024 edition nito.

Sinabi ni Marcial na naging maayos ang pakikipag-usap niya patungkol dito kay Bacolod City mayor Albee Benitez.

Huling ginanap ng PBA ang All-Star festivities sa “City of Smiles” noong 2008.

Sinabi ng league commissioner na masaya siya sa mainit na pagtanggap ng malaking PBA contingent sa City of Passi kung isasaalang-alang na ang All-Star Weekend ay nagbalik sa unang pagkakataon pagkatapos ng tatlong taong pagkawala dahil sa COVID-19.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *