Bacolor LGU inatasang gumamit na ng ATM sa pagpapa-sweldo

Kabilang sa mga naging rekomendasyon ng Commission on Audit o COA sa local government ng Bacolor, na gumamit na ng Automated teller machine o ATM sa pagpapa sweldo.

Sa audit report ng COA, nakasaad na hanggang ngayon ay lumang paraan pa din ng pay roll system ang ginagamit sa Bacolor.

Ayon pa sa report, taong 2021 nang magkaroon na ng agreement ang munisipyo ng Bacolor at Development Bank of the Philippines o DBP para sa gagamiting ATM at may ilan na rin daw mga empleyadong nabigyan ng ATM card pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatupad.

Ayon pa sa COA, sa pag gamit ng ATM, mababawasan na ang oras na iginugugol sa pagpapa-sweldo at iwas nakaw pa o holdap ang pampasahod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *