Bago at modernong Port Operations Building ng PPA Masbate, kayang i-accommodate ang 500 pasahero

Aabot sa mahigit 500 pasahero ang kayang maserbisyuhan ng bagong Port Operations Building (POB) ng Phil Ports Authority (PPA) Masbate.

Ang building ay kargado rin ng modernong pasilidad tulad ng charging station, prayer room, breastfeeding room at ‘all gender’ na palikuran.

Ang bagong port building ay pinasinayaan noong Marso 8 kasabay din ang bagong gawang Transit Shed na may sukat na 1,000 sq meters at inaasahang makadaragdag sa income generation sources ng nasabing port. Dahil dito, bibilis ang galaw ng mga kargamento dahil sa automated and access point ng bagong Transit Shed.

Nabatid na ang bagong POB ay pangalawa sa pinakamalaki sa Bicol region at ang una ay ang Port of Matnog sa Sorsogon.

Ang modernisasyon sa nasabing pantalan ay may layuning mabigyan ng mas maayos at mas komportableng paglalakbay ang mga pasaherong bumibiyahe sa Port of Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *