Bagong batch ng mga pulis ipinadala sa Albay bilang tulong pa rin sa operasyon sa Cessna Plane Crash

NAGA CITY- Matapos na umuwi na ang mga pulis na halos magdadalawang linggo na sa Albay upang makatulong sa search and rescue na kalaunan ay naging search and retrieval operation sa mga sakay ng bumagsak na Cessna Plane sa Bulkang Mayon nagpadala muli ang Camarines Sur Police Provincial Office ng bagong grupo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng CSPPO , sinabi nitong pagod na rin ang unang batch kaya dapat na mapalitan.

Ang Incident Management Team na aniya ang nag assign sa 29 personahe depende sa sitwasyon.

Nagpasalamat ang opisyal sa sakripisyo at pagrepresenta ng CSPPO sa serbisyo. Maging positibo aniya na may patutunguhan ang lahat ng pagpapagod.

Mababatid na sinabi ni Mayor Caloy Baldo kahapon na nagiging pahirapan ang pagbaba ng mga bangkay dahil sa lagay ng panahon na nakakaapekto sa lagay ng daanan paibaba ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *