Bagong COVID-19 wave, posible ayon sa OCTA matapos magtala ng spike sa positivity rate

Nagbabala ang OCTA research group na posibleng magsimula na naman ang panibagong wave ng COVID-19 infections sa National Capital Region.

Ito ay kasunod ng naobserbahang pagtaas ng positivity rate sa nakalipas na mga araw

Sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na sa tumaas mula 7.4% sa 9.2% ang positivity rate sa NCR sa nakalipas na pitong araw as of November 22.

Binigyang diin ni David na kung hindi magbabago ang trend, posibleng makaranas na naman ng panibagong wave of infections sa NCR na tumutukoy sa percentage ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 test.

Batay sa datus mula sa DOH, umabot sa 3,382 ang pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Una nang inihayag ng DOH na magsasagawa sila muli ng 3-day nationwide COVID-19 vaccination drive sa Disyembre para mapalakas ang booster uptake at inoculation rate sa bansa

Sa datus ng DOH, umabot na sa 73.7 million Filipinos ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 20.9 million individuals ang nakatanggap ng unang booster shot
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *