Top Stories

Bagong Gobernador ng Albay, nanumpa na

LEGAZPI – NAISILBI na ng Department of Interior and Local Government o DILG Bicol ngayong hapon sa Albay Provincial Capitol ang writ of execution mulang Commission on Elections (COMELEC).

Bagamat hinarangan ito ng mga supporters ng kasalukuyang gobernador ng Albay na si Governor Noel Rosal, naituloy pa rin ang pagbasa ng nasabing order at ipinaskil sa labas ng kapitolyo.

Pinangunahan ito ni DILG Bicol Regional Director Arnaldo Escober Jr.

Kanyang sinabi na simula ngayong araw, epektibo na ang order na kailangan ng bumaba sa pwesto si Rosal at ang hahalili sa kanya ay si Vice Governor Edcel Grex Lagman.

Sinagawa naman ang Oath Taking sa building ng APSEMO at dito na tuluyang nanumpa si Vice governor Edcel Grex Lagman bilang bagong gobernador at si Board Member Glenda Bongao bilang bise gobernador.

Paliwanag naman ni Escober, na si Rosal ang hindi na maaari sa anumang transaksyon sa kapitolyo at kung sakali na bumaba ang temporary restraining order at may status quo order, maaaring makabalik sa pwesto si rosal habang pinag-aaralan ng korte suprema ang disqualification case nito.

Sa post naman ni Lagman, nangako ang bagong Gobernador na uunahin niya ang interes ng kanyang mga kababayan at isasantibi ang pulitika.

‘As your new Governor, I pledge to the people of Albay to put premium on the interest and welfare of Albay over partisan and transactional politics.’ wika ni Lagman.

‘The Lagman brand of principled governance, accountability to the people, rejecting political vendettas, and integrity in public service will be the hallmark of my administration.’ dagdag pa niya.

Bago pa man ito, una nang sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos sa panayam ng 91.5 Brigada News FM Legazpi na nakausap na niya si Governor Rosal ukol sa kinakaharap nitong disqualification Case at kaniyang pinaliwanag na itoy parte ng batas at may proseso ito.

Sa kanila naman na pag-uusap ay mahinahon naman ang gobernador at tanggap naman nito kung ano ang kakalabasan ng kaso.

Matatandaan, nag-ugat ang isyu matapos sampahan ng reklamo si Rosal dahil s apamimigay ng ayuda noong nakaraang halalan na pasok na sa election Ban at sa pinalabas na rdesisyon ng Comelec, pasok ito sa paglabas sa Omibus Election code.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago