Bagong hospital beds at mechanical ventilator, dumating sa CVMC

Dumating na sa Cagayan Valley Medical (CVMC) ang mga karagdagang hospital beds at mechanical ventilator bilang pagtugon pa rin sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa pagamutan.

Ayon kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, 60 na bagong hospital na beds na binili ng hospital ang dumating na at ilalagay sa COVID ward.

Natanggap din nila ang 40 na heavy duty cot beds para sa waiting area ng CVMC at 9 na mechanical ventilator mula naman sa Department of Health Central Office sa pamamagitan nina USec.  Leopoldo “Bong” Vega at Asec. Elmer Punzalan.

Samantala, itinayo na rin ang donasyong tent mula sa UNICEF bilang extension ng COVID-19 ER Nightingale Building.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Dr. Baggao sa DOH at iba pang stakeholders sa mga dumating na karagdagang kagamitan sa naturang hospital.

Photo/Dr.Baggao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *