Bagong kasal, namigay ng $800 o P47,000 sa mga pumunta sa kanilang kasal

Ito na ba ang real life “Crazy Rich Asians” na tila sa pelikula lang nangyayari?

Baliktad ang ginawa ng bagong kasal sa China kung saan imbes na sila ang bigyan ng pera na nakalagay sa pulang sobre ay sila ang nagbigay ng pulang sobre na naglalaman ng $800 o katumbas ng P47,000.00 sa kanilang mga bisita.

Hindi lang iyon dahil sagot din ng mag-asawa ang pamasahe ng kanilang bisita palipad ng China, pati na rin ang kanilang accommodation sa isang 5-star hotel ng limang araw at ang kanilang transportation cars na Rolls Royce at Bentleys.

Namangha tuloy ang mga netizens sa yaman ng mag-asawang ito at kung paano sila naging mapagbigay sa kanilang mga guests. # # # Pauline Manga, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *