Bagong kaso vs. Narra Mayor Danao, walang umanong kahihinatnan

Balewala at wala umanong kahihinatnan ang bagong kaso na isinampa laban kay Narra Mayor Gerandy Danao, ayon kay Jojo Gastanes na tagapagsalita ng alkalde.

Ang kaso ay isinampa umano sa Anti Red Tape Authority (ARTA) ng City Mines and Development Corporation dahil sa hindi pag-isyu ng mayor’s permit ng alkalde sa minahan noong taong 2019.

Sinabi ni Gastanes na nais din na muling masuspendi si Danao sa ilalim ng Provincial Board kasunod ng inihaing kaso ng kompanya.

Pinagdiinan ni Gastanes na nag-ugat ang pagsasampa muli ng kaso “unsettled amount” sa munisipyo ang CDMC na nagkakahalaga ng 94 Million pesos simula noong 2012 hanggang taong 2015.

Kwestyunable rin daw sa alkalde ang operasyon ng Citi Nickel dahil una pa lang ay wala itong permit.

Samantala, isa daw itong harassment sa alkalde at pamumulitika lamang pero positibo si Gastanes na walang kahihinatnan ang usapin dahil election period na ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *