Bagong Liga ng mga Barangay Building sa bayan ng Basud pinasinayaan

CAMARINES NORTE- Pinasinayaan na noong Biyernes, December 23 ang bagong gusali ng Liga ng mga Barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte na katabi ng Legislative Building.

Ang pagbabasbas ay ginawa ni Father Rogelio Yarte Jr., Parish Priest ng St. Raphael the Archangel Parish na dinaluhan ng mga Punong Barangay kasabay na rin ng kanilang Chrismas Party.

Ayon sa pangulo ng Liga na si San Pascual Punong Barangay Jesus Salomon, malaking tulong ang bagong gusali para sa maayos na pagsasagawa ng kanilang trabaho bilang mga opisyal ng barangay.

Aniya dito pumupunta ang mga kapitan, kagawad, treasurer at secretary ng barangay para sa mga pagpupulong at may mga isinusumiteng dokumento.

Sinimulan ang pagtatayo ng gusali noong Marso sa tulong ng yumaong dating Congresswoman Marisol “Toots” Panotes na nagbigay ng P5 milyon galing sa kaniyang opisina.

Ang opisina ay sa ground floor at sa second floor ang function hall.

Mayroong tatlong staff ang Liga para sa day-to-day operation ng pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *