Bagong market value ng lupa ipatutupad sa 2023

Ipatutupad na sa susunod na taon ang  bagong market value ng lahat ng klasipikasyon ng mga lupa, residential, agricultural, industrial o commercial man. 

Ito ang kinumpirma ni Engr. Rene Loreto Gilbas ng Sorsogon Provincial Assessor sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon.

Ayon sa opisyal, naaprubahan na kasi ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang schedule ng market value ngayong taon na matagal ding hindi nagkaroon ng adjustment dahil sa mga kalamidad na tumama sa lalawigan kung saan minarapat ng Pamahalaang Lalawigan kasama ang SP na magbigay ng amnestiya.

Kung matatandaan taong 2014 pa nngg huling magkaroon ng adjustment sa market value kung saan dapat umano ang bawat Local Government Unit ay magkaroon ng adjustment o General Revision kada tatlong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *