Bagong mga classrooms, target na maipatayo ng AKB party list sa rehiyon sa susunod na taon

Isa sa mga target ngayon ng Ako Bicol Party List ay ang makapagpatayo ng mga bagong classrooms sa rehiyon sa mga paaaralan na may mga kakakulangan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay AKB partylist executive director Alfredo Garbin, inihayag nitong classrooms ang pinaplanong maipatayo bukod sa mga multi-purpose buildings at mga barangay halls.

Aniya, ang Committee on Approriations ay nagbigay na rin ng karagdagang budget na nagkakahalagang PHP10Billion para sa 2023.

Ito umano ay upang mabigyan ng pansin ang kakulangan sa mga silid-aralan lalung-lalo na sa elementarya at high school.

Dagdag pa nito, ang mga kongresista sa bawat lugar ay tutukoy ng mga priority schools na mabibigyan ng bagong mga silid-aralan at magbibigay ng hindi na bababa pa sa PHP30Million. Samantala, may inilaan na ring pondo ang mga kongreso para sa mga paaralang nasalanta ng bagyo at sa ngayon ay hinihintay na lamang na mapirmahan ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *