Bagong mukha ni Madonna , umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga

Umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga ang bagong mukha ni Madonna.

Present sa kamakailang Grammy awards ang pop icon na nakasuot ng black suit at halos hindi makilala sa kanyang shaved eyebrows, matambok na labi at bilugan na pisngi at baba.

Hindi maiwasan ng mga netizens na ikumpara ang 64-anyos na mang aawit sa kanyang itsura noon.

Ayon sa isang nag komento, ikinalungkot niya na nasira ang magandang mukha ni Madonna na itinuturing na malakas at huwarang babae.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang malaking pagbabago sa mukha ng American singer-songwriter.

Noong nakaraang taon, kinunan siya ng larawan na may narrower nose, higher cheekbones at wrinkle-free face.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *