Local News

Bagong Municipal Hall at Public Market ng Tumauini, Isabela, pinasinayanan

Pinasinayanan ngayong araw ang bagong Municipal Hall at bagong walong building ng pampublikong pamilihan ng Tumauini Isabela.

Pinangunahan ni Tumauini Mayor Arnold Bautista ang naturang inagurasyon katuwang ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. Personal din na dumalo si DOLE Secretary Silvestre Bello III kasama sina Isabela Vice Gov. Bojie Dy, Cong. Tonypet Albano at LPGMA Partylist.

Ayon kay Mayor Bautista, nasa 150 million pesos ang inilaang pondo para sa konstruksyon ng bagong 8 building ng Tumauini Public Market.

Habang ang pondo naman ng bagong municipal hall ng bayan ay mula sa pondo ng LGU, kay Sen. Tito Sotto III at Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Aniya, sa bagong munisipyo na isasagawa ang mga opisyal na transaksyon at wala nang magtutungo pa sa dating gusali.

Dagdag pa ng alkalde, ang dating municipal hall ng bayan ay magiging opisina ng ng Women’s Sectoral Representative, DepEd Isabela at Congressional District office.

Samantala, nangako naman LPGMA Partylist at PGI na magbibigay ang mga ito ng assistance upang makumpleto na ang Tumauini Astrodome.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

19 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

19 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

19 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

19 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

19 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago