Bagong pamasahe sa tricycle sa bayan ng Basud epektibo na

CAMARINES NORTE- Epektibo na ang bagong pamasahe sa tricycle sa bayan ng Basud, Camarines Norte makaraang magpalabas ng bagong taripa ang Tricyle Regulatory Unit (TRU).

Kasunod yan ng pagkaka aproba ng Municipal Ordinance No. 229- 2022 halos dalawang linggo na ang nakakalipas na nag aamyenda sa section 3 at 4 ng Municipal Ordinance 204- 2020 ipinasa noong June 2020 sa kasagsagan ng pandemya.

Sa bagong taripa P15. 00 na ang bagong pamasahe sa tricycle para sa unang dalawang kilometro mula sa dating P20.00 at dagdag na P3. 00 naman sa kada susunod na kilometro.

Para naman sa mga estudyante, senior citizens at person with disability (PWDs) ay P12. 00 sa unang dalawang kilometro at dagdag na P2. 00 naman sa kada susunod na kilometro.

Ang mga bata o pre- school children edad 3- 5 taong gulang ay P7.00 ang pamasahe.

Pinapayagang magsakay ng maximum na hanggang tatlong pasahero kada biyahe maliban kung emergency.

Pagsapit ng alas 7:30 ng gabi at iba pang special cases ay โ€œby agreementโ€ na lang ng driver at pasahero.

Ang lalabag sa ordinansa ay maaaring mapatawan ng mula P1, 000.00 hanggang P2, 500.00 o pwede ring ma- revoke ang prangkisa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *