Bagong Pilipinas Mobile Clinic ibinigay sa pitong probinsya sa Central Luzon

Natanggap na ng pitong mga probinsya sa Central Luzon ang Bagong Pilipinas mobile clinic.

Nitong nakalipas na Martes ay personal na itinurnover ni First lady Liza Araneta-Marcos sa mga gobernador ng rehiyon ang mga sasakyan.

Kabilang sa mga dumating sa turn over ceremony sina Pampanga Governor Dennis Pineda, Governor Jose Enrique Garcia ng Bataan, Governor Hermogenes Ebdane Jr. ng Zambales, Governor Daniel Fernando ng Bulacan, Governor Susan Yap ng Tarlac, Governor Aurelio Umali ng Nueva Ecija, at Governor Reynante Tolentino ng Aurora.

Kasama sa mga serbisyong inaalok ng mobile health clinic ang X-ray, ECG, ultrasound at blood screening.

Karamihan umano sa mga kagamitan sa mobile clinic ay high-tech at ang mga LGU na ang bahala sa maintenance at repairs ng mga sasakyan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *