Bagong Regional Director ng DPWH RFO2, itinalaga na

Itinalaga ngayon bilang bagong pinuno ng DPWH-Region 02 si Regional Director Nomer Abel Canlas.

Ang kanyang pinalitan ay si outgoing Regional Director Loreta Malaluan.

Isinagawa ang turnover ceremony sa regional office 02 na dinaluhan ng 11 District Engineers ng rehiyon, iba pang mga opisyal at empleyado ng nasabing ahensya.

Lubos naman nagpasalamat si outgoing RD Malaluan sa buong pamilya ng DPWH-Region 02 dahil sa ipinakita nilang suporta sa kanya, maging ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya at grupo sa kagawaran sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ipinagmalaki ni Malaluan sa bagong RD na dahil sa magagaling na district engineers ay naging magaan ang kanyang pamumuno sa loob ng tatlong taon at dalawang buwan dito sa rehyon.

Samantala, naitalaga naman si Malaluan bilang bagong Regional Director ng DPWH-National Capital Region, na siyang iniwan na puwesto ni bagong RD Canlas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *