Bagong retrato ng suspek sa pagpaslang kay Lapid, inilabas; Reward, P6.5M na

Umakyat na sa P6.5Million ang kabuoang reward para sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nag-alok ang mga miyembro ng Kamara ng P5Million na reward.

‘We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa. The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs’ ani Romualdez

Nagpahayag din si Romualdez ng pagkabahala at pagkadismaya sa karahasang nangyayari sa mga miyembro ng media.

Bago ito, una nang naglabas ng kalahating milyong reward si Interior Secretary Benhur Abalos, at isang milyong piso mula sa lawyer-businessman Alex Lopez.

Samantala, inilabas naman na ng National Capital Region Police Office ang mga bagong retrato ng suspek sa pamamaril kay Percy Lapid.

Ang sino mang makapagbibigay impormasyon sa lalaking nakita sa bagong larawan ay maaaring dumulog sa Las Piñas City Police Station.
#

PNP pinag-aaralan ang identity ng ‘POI’ sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid

PNP, may lead na sa pamamaslang kay Percy Lapid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *