Bagong school buildings sa Albay, planong itayo kaugnay ng pagpasa ng ilang paaralan sa 6km PDZ ng Mayon

LEGAZPI CITY – Dahil sa pagpapasara ng ilang mga paaralan sa Albay na sakop ng 6 kilometers permanent danger zone ng Bulkang Mayon, pinagpaplanuhan ngayong magtayo ng panibagong mga school buildings sa lalawigan.

Ito ang napag-usapan sa executive meeting ng Department of Education (DEPED) alinsunod sa desisyon ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte at ng iba pang opisyal na tuluyang ipasara ang mga paaralan sa Malilipot at Tabaco City na nasa loob ng nasabing PDZ.

Sa pagbisita ni DEPED Undersecretary for Administration and Operations Atty. Revsee A. Escobedo sa lalawigan kahapon, binigyang-diin na ang plano ay hindi naman unilateral sapagkat kinokonsidera rin nila ang mga komunidad na sakop PDZ.

Dapat din aniyang pagtuunan ng pansin ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa mga lugar na apektado ng bulkan kaya’t puspusan na ang kanilang paghahanda sa planong pagtatayo ng mga bagong school buildings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *