Bagong Schools Division Superintendent ng Camarines Norte mainit na tinanggap ng mga opisyal at empleyado ng DepEd

CAMARINES NORTE- Pormal nang naupo sa pwesto ang bagong Schools Division Superintendent ng Department of Education sa lalawigan ng Camarines Norte sa katauhan ni Dr. Crestito Morcilla.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga opisyal, school heads at mga empleyado ng Division Office sa turn over ceremony na isinagawa nitong Lunes, April 3.

Sa kaniyang mensahe sinabi ni SDS Morcilla na komportable na siya dito sa SDO Camarines Norte dahil halos lahat umano sa mga opisyal at empleyado nito ay kaniya nang nakatrabaho.

Dati nang nanilbihan noon sa lalawigan si Morcilla bilang Assistant Schools Division Superintendent ilang taon na ang nakakalipas.

Nangako ang bagong talagang Superintendent na kaniyang ipagpapatuloy kung anuman ang mga programa at proyekto na sinimulan ng kaniyang pinalitan.

Hiningi rin nito ang kooperasyon ng kaniyang mga kasamahan sa departamento dahil ang ikatatagumpay aniya ng mga programa at proyekto ay nakasalalay din sa kanila.

Pamumunuan nito ang nasa mahigit 7,000 teaching at non-teaching personnel at pamamahalaan ang 14 na distrito na may 166,037 learners mula Kindergarten hanggang Senior High School

“I love you as may co- workers and we are going to maintain that, this beautiful relationship because whatever programs and projects that we will be implementing, these programs and projects will not be successful without you helping the SDO Camarines Norte,” ani Morcilla.

Pinalitan ni Morcilla si SDS Nympha Guemo na siya namang mamumuno sa Ligao City Division.

Sa ilalim ng mahigit tatlong taong pamumuno ni Guemo sa SDO Camarines Norte ay marami ang naging pagbabago lalo na para sa kapakanan ng mga guro.

Naging “brand” na ng liderato ni Guemo ang tinatawag na “servant leadership.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *