Bagong session hall ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay, ipinasilip na sa publiko

LEGAZPI CITY – Ipinasilip na ng Provincial Engineering Office (PEO) ang magiging itsura ng session hall ng bagong itatayong Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

Ayon kay Provincial Engineer, Dante Baclao, sa halip na manatili ang session hall sa main Capitol Building ay ilillipat na ito sa 3rd floor ng Albay Capitol Annex sa Old Albay District, Legazpi City.

Nakatakda namang simulang ayusin ang bakanteng gusali na dating ginagamit ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol.

Kaugnay nito, uukopahin ng Office of the Sangguniang Secretariat ang 2nd floor ng annex capitol building.

Binigyang-diin ni Baclao na isa ito sa mga bahagi ng kagustuhan ni Albag Gov. Edcel Grex Lagman na ayusin ang lahat ng mga opisina o ahensya at serbisyo ng sanggunian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *