Bagong silang na sanggol sa U.S.A ka-birthday ang kanyang mga magulang

ISANG sanggol sa Alabama, U.S.A na si baby Lennon Scott ang hindi inaasahang magiging ka-birthday ng kanyang  mga magulang.

Ipinanganak si baby Lennon nitong nagdaang December 18 parehong petsa ng kapanganakan ng kanyang ina na si Casiddy noong December 18, 1996 at ama nitong si Dylan noong December 18, 1998.

Dahil sa bihira lamang itong mangyari, marami ang nagtatanong kung ito ba ay sinadya o planado ng mag-asawa.

Ayon sa pag-aaral ang ganitong klaseng insidente na pagkakapareho ng petsa ng kapanganakan ng ama, ina, at anak ay madalang lamang at  1 lamang ang posibilidad nito  sa bawat 133,000 na pamilya.

Sa panayam ng mag-asawa  sinagot nito na hindi nila akalain na magiging ka-birthday nila ang kanilang anak ngunit aniya kung masusundan nais  nila na gawing December 18 na rin ang birthday nito nang saganon  makatipid na sila sa birthday celebration nilang buong mag-anak. ### CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *