Bagong talagang Transportation Secretary, tiniyak na tututukan ang mga problema sa public transportation

Tiniyak ni Transportation secretary-designate Jaime ‘Jimmy’ Bautista na tututukan nito ang mga isyu at pinapasakit ng mga komyuter at ng public transportation sa pangkalahatan.

Ito ang sinuguro ng dating Philippine Airlines President isang araw bago siya italaga ni President-elect Bongbong Marcos.

Aniya, sisikapin umano niyang makapasok sa global standards ang transport system sa Pilipinas.

Tiniyak pa nito na magiging mas epektibo at ‘user-friendly’ ang public transportation para sa mga mananakay.

Samantala, sa ngayon aniya ay blangko pa rin siya kung papaano ito nakapasok sa DOTr.

Aniya, hindi naman daw niya alam kung sino ang nagrekumenda sa kanya, ‘o papaano siya nasama sa mga pagpipilian ni Marcos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.