Bagong tanggapan ng PDEA Region 12, pinasinayaan

KORONADAL CITY- PINASINAYAAN na ang bagong tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 sa prime regional center sa Barangay Carpenterhill, Koronadal City.

Ang inaugural blessing ay pinangunahan mismo ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, mga opisyal ng PDEA region 12, city at provincial officials.

Ang naturang gusali ay pinondohan ng P 20 million.

Sa pamamagitan nito, mas mapapaigting pa ang kampanya ng PDEA laban sa iligal na droga.

Binigyang diin naman ni Director General Villanueva ang kahalagahan ng anti-illegal drug campaign ng pamahalaan upang magkaroon ng ligtas na komunidad ang mga mamamayan.

Ayon sa opisyal na isa sa legasiya ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsugpo sa mga drug pushers at drug users nagresulta sa pagbaba ng krimen sa bansa.

Sa datos ng Philippine National Police, bumaba umano ng 64% ang crime incidents sa Pilipinas mula nang maupo si Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *