National

Bagong tulay sa Binondo patungong Intramuros, nakatakdang pasinayaan bukas

Nakatakdang pasinayaan bukas, ika-5 ng Abril ang bagong tulay na kokonekta mula Binondo patungong Intramuros na nasa 680-lineal meter ang haba at nasa ibabaw ng Pasig River.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) at Build Build Build Chief Implementer Undersecretary Emil Sadain, magiging mas mabilis ang koneksyon ng nasabing mga lugar na itinuturing na most busy districts sa Maynila.

Sinabi naman ni DPWH Secretary Roger Mercado na mahigit 30,000 na mga motorista ang makikinabang sa bagong proyekto sa ilalim ng Philippine-China government-to-government cooperation projects. Layunin nito na maging maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Samantala, inaasahan din ang pagbubukas sa kalagitnaan nitong Abril ngayong taon ng isang exit ramp sa Plaza del Conde Street sa Binondo. (ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

2 Bagyo posibleng pumasok ngayong buwan ng Mayo

Isa hanggang dalawang tropical cyclone ang posibleng papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan…

12 mins ago

Arsobispo ng Maynila kasama sa mga nanguna sa installation ng bagong Arsobispo ng Caceres

NAGA CITY –Pinangunahan din ni His Eminence Arsobispo Jose F. Cardinal Advincula Jr.D.D. ng Manila…

21 mins ago

28 estudyante nahimatay dahil sa matinding init ng panahon

Hindi bababa sa 28 na estudyanye ang nahimatay dahil sa matinding init sa opening parade…

26 mins ago

Mala-‘free trial sa impiyerno’ na panahon – dapat nang solusyunan! – Rep. Manuel

Umapela si Kabataan party-list Representative Raoul Manuel sa gobyerno na gumawa na ng mga hakbang…

39 mins ago

Mga unibersidad sa Pilipinas bigong makapasok sa Top 100 ng 2024 THE Asia University Rankings

Bigong makapasok ang mga unibersidad sa Pilipinas sa Top 100 ng 2024 The Asia University…

2 hours ago

Kakulangan ng bakuna kontra pertussis, problema ng mga Municipal Health Office

CAMARINES SUR - Problema ngayon ng mga Municipal Health Office sa mga Lokal na Pamahalaan,…

2 hours ago