Bagong UK PM, tiniyak na pa-plantsahin ang gusot na iniwan ni Truss

Nangako ang bagong British Prime Minister na si Rishi Sunak na aayusin nito ang mga suliraning naiwan ng resigned PM na si Liz Truss.

Sa kanyang unang pulong balitaan matapos ang pormal na pag-upo sa puwesto, siniguro ni Sunak na bagamat walang masamang intensyon ang sinundan niyang administrasyon sa mga errors sa gobyerno – isa pa rin itong mali na dapat ayusin.

Aminado naman ang bagong PM na hindi magiging madali ang pagharap sa economic crisis lalo na’t nagpapatuloy pa rin ang aftermath at mga epekto ng COVID-19 pandemic.

Matatandaaang nagbitiw si Truss sa puwesto sa gitna ng economic meltdown na idinulot ng kanyang tax cut orders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *