Bagong variant ng COVID-19, natuklasan sa South Africa

Inanunsyo ng mga dalubhasa mula sa South Africa na mayroon panibagong COVID-19 variant ang kumakalat ngayon sa kanilang kontinente.

Tinawag ang variant bilang B.1.1.529, na ayon sa kanila ay may kakaibang constellation ng mutations.

Ipinunto ng sayantipiko na nakakabahala ito dahil meron itong kakayahan na iwasan ang immune response ng katawan na dahilan upang ito ay maging mas nakakahawa.

Inihayag ng mga eksperto na base sa mga unang signs na nakita mula sa kanilang diagnostic laboratories, ay mabilis na kumakalat ang variant sa pinaka-mataong probinsya ng Gauteng, at posibleng nakarating na rin ito sa walong iba pang probinsya ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *