Bagong yugto ng serye, handog umano ni Coco bilang pasasalamat

Isang kaabang-abang umanong bagong yugto ng serye ang kailangang huwag palampasin ng mga fans ni “Tanggol” simula ngayong linggo.

Ito ang inanunsyo ni Primetime King Coco Martin sa kanyang pagharap sa media kasama ang ibang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Ayon kay Coco, simula nitong Lunes, Mayo 8, ay magbabagong-buhay na ang karakter niyang si “Tanggol” para mas maging kaabang-abang ang takbo ng serye.

Aasahan umano ang pagtutuwid na nito ng kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan na tiyak na magugustuhan ng mga viewers.

“Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ni Tanggol. Sa lahat ng kanyang mga natutunan sa kalye, sa Quiapo, at sa buhay, na-realize na niya na siguro panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay. Tignan natin kung ano ang magiging bagong journey ni Tanggol,” bahagi ng anunsyo ni Coco sa isinagawang media conference kabilang ang Brigada News FM.  

Ang lahat ng ito ay bahagi umano ng kanyang pasasalamat sa mga patuloy na tumututok sa “FPJ’s Batang Quiapo” mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Samantala, aabangan din umano ang mas marami pang mga umaatikabong aksyon at sunod-sunod na rebelasyon.

Ito ay dahil magtatagpo-tagpo na ang lahat ng mga karakter sa serye at maglalaban-laban na ang iba’t ibang grupo.

Ang “FPJ’s Batang Quiapo” ay hango sa orihinal na kwento ng Regal Films na pinagbibidahan noon ni “Da King” Fernando Poe Jr.,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *