Baguhang kongresista sa Camarines Sur Top 1 na rin isang survey sa buong Bicol

NAGA CITY- Limang mga Kongresista mula sa Camarines Sur ang kasama sa  Top 5 ng “Boses ng Bayan” performance survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa Bicol Region.

Sa independent and non-commissioned study lumabas na si  Cong Joey Salceda ng  Albay  ang nanguna sa score of 91.6%. Sumunod si  Wowo Fortes ng  Sorsogon  sa 90.7% at ang baguhang Kongresista ng Camarines Sur na si  Tsuyoshi Anthony Horibata  o Hori Horibata ng unang distrito ng lalawigan sa 90.9%.

Kasama rin sa Top 2 si  Camarines Sur 2nd District Representative  Luis Raymund Villafuerte. Rank 3 si Cong. Gabriel Bordado Jr, ng ikatlong distrito habang kasama sa Rank 4 ang dating Gobernador ngayon ay 5th District Representative Miguel Luis Villafuerte. Nasundan ng ikalimang puwesto na kasama si Cong. Arnie Fuentebella ng Partido District.

Pinagbasehan dito ang district representation, legislative performance at constituent service. Ginawa an survey noong Hunyo 25 hanggang Hulyo 25, 2023 sa bawat distrito  10,000 ang registred voters na naging respondents.

Para kay Dianne Bernos na  botante sa unang distrito, ang mga survey ay nagsisilbing gabay sa mga halal na opisyal, upang i-assess ang kanilang performance halimbawa sa mga projects. Kaya dapat batid ang pangangailangan tulad sa kanila umaabante ang mga proyekto sa matagal nang problema sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *