Bagyong ‘Karding’ nakalabas na ng PAR

Tuluyan nang lumalayo ang bagyong ‘Karding’ na may international name na Typhoon Noru.

Huli itong namataan sa 735 km west ng Dagupan City, Pangasinan taglay ang lakas ng hangin papalo sa 150 kph at pagbugsong aabot 185 kph.

Sa kabila nito posible pa rin ang mga pag-ulan dahil sa southwest monsoon o habagat lalo na sa Southern Luzon at Visayas.

Ang probinsiya ng Palawan, Occidental Mindoro, Bataan, Zambales, at Western Visayasay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot Southwest Monsoon at trough ng typhoon Karding.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *