Bagyong ‘Neneng’ nakalabas na ng PAR matapos magdulot ng pagbaha sa N. Luzon

Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Neneng.

Huli itong namataan sa 430 km kanluran ng extreme Northern Luzon.

tagalay ang maximum sustained winds na 120 km/h at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.

Ayon sa PAGASA ang Southwesterly Surface Windflow na lang ang nakakaapekto bansa partikular na sa Southern Luzon at Visayas.

Ang Ilocos Norte at Ilocos Sur ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng bagyo

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog bunsod  ng Southwesterly Surface Windflowang mararanasan sa Occidental Mindoro, Palawan at Kanlurang Visayas.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *