Bagyong ‘Obet’ bumilis habang tinutumbok ang extreme Northern Luzon

Bahagyang bumilis ang galaw ng bagyong Obet habang patuloy na tinutumbok ang extreme Northern Luzon.

Huli itong namataan sa 335 km Silangan ng Basco, Batanes at Kumikilos Pakanluran sa bilis na 30 km/h.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h

Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Dahil sa bagyong asahan ang pag-ulan na may pagbugsong hangin sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang-silangan na bahagi ng mainland Cagayan dahil sa tropical depression Obet.

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay matinding pag-ulan.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shearline at TD Obet.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *